Add parallel Print Page Options

17 Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.” 18 Isinilang ang sanggol pero nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Ben Oni.[a] Pero pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.[b]

19 Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Betlehem).

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:18 Ben Oni: Ang ibig sabihin, ang anak na isinilang sa hirap.
  2. 35:18 Benjamin: Ang ibig sabihin, mapalad na anak.